1.      Ano ang sentral na paksa ng sanaysay

Ang tinutumbok ng sanaysay na pinamagatang iskwater ni Luis G. Asuncion ay ang buhay ng nakatira sa “squatters area” na malapit sa Batasang Pambansa sa may Commonwealth, Quezon City. At nagpapatungkol sa kahirapan na kanayang dinanas habang sila ay nakatira sa nasabing lugar.


2.      Mayroon bang paksa na “di-tuwirang tinatalakay sa teksto”? 

Mayroong di-tuwirang pahayag sa teksto tulad ng nasabi ng may-akda na

1.      Nakita nya ang isang puting kotse ng kanyang kapitbahay, hindi nya man alam kung ano ang tatak pero alam nyang napakamahal nito.

2.      Ang telebisyon nila na higit pa sa apat na beses ang laki ng TV ng may-akda na umaabot raw sa 14 inches.

3.      Karaoke nilang dalawang beses ang laki sa Hanabishi ng persona na ayon sa kanya ay higit na malakas ang mga ito dahil magkahiwalay at dalawang naglalakihang speaker.

4.      Kung pasko o bagong taon naman ay makikita mo na lalo ang pagiging galante nila.

5.      At ang isang babae kolehiyalang mayaman na iba-iba ang boypren tuwing nakikita nya sa labas.

 

3.      Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa?

Ang layunin ng may-akda sa kanyang paksa ay para maimulat sa kanyang mambabasa ang hirap at mga karanasang kanyang napagdaanan. Mga posibleng epekto ng karanasang kahirapan sa kabataan na syang patuloy na dinaranas ngayon, tulad ng walang disenteng tirahan, pagkain, tubig at walang tumatagal na hanapbuhay ng mga magulang nila. At higit sa lahat ay sana may magawa ang gobyerno na tamang paraan kung paano sila matutulungan, hindi na papaalisin ang mga mahihirap sa iskwater na walang mapupuntahan, kundi mga tamang desisyon o plano na matulungan talaga silang mahihirap na pinanganak mang mahirap, ay hindi mamamatay na mahirap.

 

4.      Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay?

Ang mahirap ay hindi kailan man makakatira sa lugar ng mga mayayaman, ito ay totoo sa pagkat mahirap na nga sila ay maspinahihirapan pa ng mga mayayaman, lalo na ang gobyerno ng ating bansa. Minsan sa pagiging tamad ng mga ito at siyang aasa sa gobyerno, mga iresponsableng magulang na aasa sa kanilang maraming anak, na ang hirap na nga ng buhay, ay maspapahirap pa nila ang mga sarili na sang hadlang na magkaroon ng magandang buhay. Kaya hindi talaga sila makakatira sa lugar ng mga mayayaman, hindi dahil mababa silang sa uri ng tao sa lipunan, pero ito ay dahil sa kakulangan ng oportunidad, paraan, sipag, edukasyon at tulong ng gobyerno sa kanila.

 

·         Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan?

Ipinanganak akong mahirap at mamamatay rin yata akong mahirap, isang pangungusap na hindi ko sasang-ayunan. Hawak natin ang ating kinabukasan, at kahit pinagkaitan man tayo ng mundo, magpapadala na lang ba tayo? Marami ng mahirap na naabot ang kanilang pangarap. Gawing insperasyon natin sila na magsikap at maging iba sa kapwa nating mahihirap upang sa dulo ay masasabi mong, sa hirap ako namulat, pero sa mabuti at maganda ako ngayon mabubuhay.

 

5.      Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto?

Sa pagkat ako ay hindi rin mayaman, naranasan ko ring maghirap na minsan na papatingin at napapatanong na lang na “ay sana mayroon din akong ganyan” at marami pang mga sana na hindi ko pa kayang makuha at abutin. Kaya saludo ako sa mahihirap na kahit napakahirap na nga ng buhay nila, pero di bibitiw at di susuko dahil may bukas pa silang aabutin sa buhay tulad ko.

 

6.      Gaano kahalaga ang pagtalakay sa sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba rito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater?

Tunay ngang mahalaga ang pagpapaliwanag nito kung ano na ang iskwater upang malaman ng mga mambabasa lalo na ang mga kabataan sa buhay ng mahirap, na nakatira sa lugar na tinatawag na iskwater. At talagang nabago nito ang aking pananaw sa pagkat alam natin lahat na ang tirahan ng mga mahihirap ay ang “squatters area” ngunit dito sa sanaysay ay nagpapatunay na ang mga mayayaman rin ay syang isinisiksik ang sarili sa lugar na ganito. Hindi man maliwanag ang rason ng mga mayayaman sa sanaysay na ito, pero nabago pa rin nito ang aking pananaw na ang iskwater,  hindi lang pala para sa mahihirap, pero para na rin pala ito sa mga mayayaman.

 

7.      Paano maiuugnay ang teskto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? 

Talaga namang totoo na may mga taong nakatira sa iskwater area kung saan libre ang lupang pwede nilang patayuan ng bahay dahil walang pangbili ng sariling lote, at magsisimula ng pamumuhay at hanapbuhay para sa pamilya. Isa pa nito ay ang para sa mahirap kung gugustuhin ng mga mayayaman na makuha rin, ay mapapa-sakanila talaga mayayaman sila e. Sa ating realidad talagang maiisp ng mga tao na ginagawa nila ito, ang mga mayayaman pa nga ang may gustong pantay na walang mayaman o mahirap lalo na sa mga plano o tulong ng gobyerno,  pero hindi minsan nila naiisip na masnaiipit ang mga mahihirap sa kawalan ng oportunidad o grasya na siyang dahilan ng kahirapan nila na posibleng magresulta sa pag-gawa nila ng krimen.

 

Gawan ng Concept Map ang salitang Iskwater sa loob ng kahon.



Comments